Lunes, Enero 21, 2013

Smart "Live More Run"

It's the start of something new, one definitely FUN RUN is held at the Nuvali Soccer Fields.

The weather is clear, cool and full of fun!

Sabi ko nga sa una kong post isa sa mga resolutions ko ay ang pagbabalik sa dating ako, ung CONFIDENT at PAYAT, kaya eto na siguro ang umpisa. Dumating kami ng 3pm sa Nuvali, handang handa kami para sa fun run, may dala kaming extra clothes para ok lang na madumihan kami kasi we were expecting a really colorful day with smart at nangyari nga, nasa pila pa lang kami nakikita ko na ang energy ng isa't isa. Sa 2nd run kami kasama so mas prepared kami kasi ung naunang mga tumakbo malayo bago pa lumampas sa starting line eh napuno na agad ng powder sa katawan nila at pati sa mukha! haha, color purple and blue ata ung unang una nilang ibinigay sa powder sa damit namin, mahirap huminga at makakita kasi super powder naman yata ung ginamit nila, Foggy ung effect nakakatakot pero masaya at oo napatotohanan nila ung nakasulat na "The Fun Starts Here"

The Fun Starts Here!

Sa starting line lahat ng colors inilabas nila, Green, Blue, Yellow, Pink and Purple ata un haha!

after that we went running to the next station....I cant remember the colors per station pero ang natatandaan ko green yata at ang saya saya ko bilang first time ko mag FUN RUN at ganito agad kasaya!

That's Jonas Enjoying GREEN! Green Minded kasi to minsan! wahaha! JK!

next station, 2k station orange!

That's us! di ba halata na masaya kami?

Di ko talaga tanda ung sunod sunod na colors ang saya kasi masyado eto naman color pink, 3rd station, 3k station!

Nicki Minaj! hahaha 

oo nga pala, before kami makarating dito alam nyo bang di na kami tumatakbo ni Mameh Aileen, kasi look naman we are not so fit naman so ayun hingal factor na ang kasama namin! hahaha!

next station naman 4k station Yellow!

The Funniest station ever!

Eto na nga, yellow station, oo super saya pero biglang may nagagalit sa aming mga kasama at kung sino ito?
SI MAMEH! wahahah! bilang ubos na ang sack of powder, ang sinasaboy na nila sa amin ay ang powder from the floor na! haha! Kinamukat mukat ko nagmumura si Mameh, "Tang Ina pumasok sa ilong ko"
sabay tawanan kaming lahat, kasi galit na galit si mameh habang naninilaw ang kanyang buong PEZ! haha sabi pa nya "Kung nakita ko kung sino ung nagtapon sa mukha ko sasampigahin ko talaga xa!" wahahahahah! Pero di na rin namin sineryoso masyado un kasi FUN RUN nga, kung mang-aaway kami eh di hindi na FUN?

anyway next station is Blue, 5k and last station!

The Last Station, with the epic ending! 

Blue isn't that sad with Smarts' Live More Run, actually it was the happiest blue moment I've had in life!

Dahil last station na ito at ito na ang pagtatapos ng napakahabang takbuhan namin inenjoy na muna namin ang moment, we took this photo na kumpleto kami para naman mas masaya, at oo mas masaya sa part ko dahil di ako nag-give-up, at hindi ako tumigil sa sa paglalakad kahit sobrang masakit na! haha

so are you waiting for the EPIC Ending?

eto na, after namin magenjoy sa last station, nakita na namin ung mga free Loot Bags, at sa loob nun ay meron kaming Medal at Smart Sim...bukod pa sa ibinigay nila bago kami tumakbo na Shades, Live More Shirt at CD ng spongecola!

at kung akala ko eh tapos na yun hindi pa! may sinasabi pa ung nasa stage "Don't change just yet!"

so hindi kami nagpalit agad bilang mukhang may huling pasabog pa sila sa amin. Ayun na nga, dumating na si Derek Ramsay,


Hindi naman sya tumakbo pero ang mga kababaihan, parang tumakbo ng 10k! over over sa sigawan ang mga heartbeat tumatama sa likod ko haha!

sunod jan dumating na ang Spongecola eto ang masaya! KANTAHAN NA!


Para siyang avatar diba? haha pero sobrang saya! Game na game si Yael na makipagdumihan sa aming mga audience, tinanggap nya lahat ng powder na hinahagis sa kanya at tuloy lang siya sa pagkanta sobrang galing pa rin nila, walang kupas, di ako fan ng grupo nila pero magaling talaga kasi kumanta si yael!

isa pang masayang nangyari para sa aking friends, isang malaking FAN kasi ng Spongecola ang friend ko na si Kreng, habang kumakanta si Yael sa harap namin dahil ganoon kami kalapit, nakita xa ni Yael na sinasabayan ang bawat lyrics ng kanta nila so kinamayan niya sina Monica at kreng pero maya maya ay tinapat nya naman ang mic. sa bibig ni kreng at pinakanta ng "TEKA LANG MEDYO AWKWARD TO" haha! at ayun doon nabuo ang araw ng aking mga kaibigan at masaya ako for them! :))))

here's the video of this Spongecola Encounter



tinapos lang namin ang performance ng spongecola, gutom na gutom na kaya kami, kaya naman ayun kumain na kami agad agad sa Kenny Rogers bilang un lang ang pinakamalapit at pinakamaluwag that time kasi madaming tao ang sumali sa Fun Run, nagorder na kami, combo combo, a keme keme lang, biglang dumating si DANTE! ang lalaking nagpaibig muli sa natutulog na puso ni Kreng, hahaha! akala nya natapos na ang gabi nya sa kamay ni Yael, pero sa lakas ng trip namin napagtripan namin si Dante isang waiter sa KG at mabait naman siya at palangiti kaya eto may pic sila ni kreng! haha

Dante and Maria Cris Maligaya haha!

isang napakasayang takbo talaga ito! at kung di ka kasama dito di ko alam kung papano ieexplain sa'yo kung  gaano kami kasaya. I'll just let the photos tell you how happy and proud we were making it to the Smart Live More Run! :)











The best things in life are really free and sometimes we can find it with our friends! :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento