Isang masyang summer po sa inyong lahat, at lalo na sa amin ng aking friends na tumungo sa Cagbalete Island para sa dalawang araw at dalawang gabi ng paglilikot sa pilipinas! (haha)
Bilang summer na at panay na ang mga post sa facebook at twitter ng mga photos nila sa dagat, lalo na ang nakakamatay sa inggit na pagpunta sa HUMA Island nila Madam Divine Lee eh hindi naman din kami nagpahuli, pero dahil kami ay di naman ka-level nila eh sa isang budget friendly island lang kami tumungo at nagpaka-socialite for a while. Try nyo din masaya sya!
April 12, 2013
Usapan na naming magkita kita ng gabi para di kami mahirapan, ay nako, knowing my friends pag nasa bahay kami at hindi magkakasama kung ano anong aberya ang nangyayari at can't afford na mangyari yon dahil oras na may ma-late eh masisira ang buong plano. Gabi na nang dumating ang mga working people (Kreng, Cathy and Vyna) galing sa trabaho, nung magkakasama kami sabi namin tutulog kami para naman may pang-puyat kami sa gabi ng 13-14, kaso noong moment na patulog na kami, sa kagustuhan kong bumisyo (YOSI) eh binuksan ko ang bintana sa kwarto ni Kreng, and poof it became KOKO Crunch, may nakapasok na ibon (maya) sa kwarto at nagulo ang aming mga katawang lupa, umikot ng umikot ung ibon, ang likot likot, hanggang sa mga 1am na nagdecide kami na "sa baba na lang tayo MATULOG!". Matulog??? 1am??? aalis kami 3am???. (hahahaha) bumaba na nga kami at ang pinakaPoint ko dun napuyat sila dahil sa kagustuhan kong magYosi! hahahah!
April 13, 2013
Time check 3am, wala pa si Joey. (panic at the disco na kami), pero bilang si Joey ang pinagpala ng babaeng lahat naniniwala kami na anong oras man sya dumating eh alam nyang aabot kami kasi sa aming lahat sya pa lang ang nakapunta sa isla with her other friends, kaya kampante kami. Nagpatuloy kami sa pagiintay habang nagaambagan na kami for the food and all para pagdating sa Mauban Market eh madali na lang na mamimili ng mga lulutuin namin na pagkain.
Nasa bus na kami 4am, yata, matiwasay namang nakarating si Joey, it took us almost 3hours sa pagbabyahe from Sto. Tomas-Lucena at dahil dyan wala akong maikwentong ganap sa bus dahil kami ay TULOG! hahaha! Pero nung medyo nakabawi bawi na kami sa pagka-nge-nge sa bus, Tayabas Quezon na, napamulat na ako at nakita ko na ang sun rise sa may palayan habang umaandar ang bus, SHET! yan ung una kong nasabi, "May araw na pala" at napakaganda, ewan ko hah pero ung feeling na parang ang saya saya at sobrang excited ako dahil eto na talaga, tuloy na tuloy na kami, at magkakasama kami, after ilang years naming pagpaplano na makapunta sa beach ng magkakasama, haha!
Pag-dating namin sa Lucena Grand Terminal, mga 6am siguro un, kumain kami sa mga karinderia doon, hindi sya pasok na pasok sa panlasa namin pero hello aarte pa ba kami? puyat na nga magpapagutom pa ba? haha!
Hindi naman sya blurred medyo lang!
Kain galore kami dyaan syempre, pero parang hindi kami pagod at puyat sa byahe dyaan dahil nga excitement lang ang laman ng aming mga puso, pagkakain namin ay nagsipaghanda na kami sa isang muling mahabang byahe papunta sa Mauban, kung saan doon naman kami magmumula papunta sa Cagbalete island. Dalawang oras ang byahe papunta sa Mauban, hindi masyadong luxurious ang mga bus going to Mauban pero pasok na rin sa aming panlasa kasi ung simoy ng tunay na probinsya, ung view ng mga palayan at mga iba pang madadaanan, winner na rin, sarap sa feeling, pero syempre mapuputol na naman ang kwento kasi nakatulog na naman kami! hahaha!
Nang maabot na namin ang Mauban Market Citeeey (city? joke lang po) agad na namili sina Kreng Joey and Nona ng aming mga pagkain, isang dahilan kung bakit di ako makakilos ng ayos at makasama sa mga pamimili and all, ay dahil maling disisyon ang pagdadala ko ng bag, hindi backpack ung dala ko, patawad mabigat pa ang laman kaya di makakilos ng maige, anyway, matapos mamili ng mga kagandahan kong friends eh sumakay na kami ng trycicle papunta sa pantalan, kung saan sasakay kami ng banca papunta sa isla.
Sa banca papuntang Cagbalete medyo kinakabahan pa kaming lahat dahil akala namin di na kami aabot, at nung nakaabot kami mga 9am siguro kami nakasakay kasi may oras daw ang byahe papunta sa isla (10am at 4pm lang) eh medyo natakot ako kasi di ko na mabilang ung laman ng banca at di ko alam kung ilan ang capacity ng banca, pero infairness nung umandar na sya nawala na ung kaba ko dahil mukhang ok naman sya safe naman at mababait ang mga tao.
si Ago nagaalok ng candy dahil nahihilo kami. haha! halata ba sa pez nya ang pagkahilo?
GGSS friends with Purita. haha!
ayan na, nandito na kami sa Cagbalete Island, winner po ang excitement namin sa unang pagsilip pa lang ng isla sa amin habang nasa banca pa kami, more tayo na kami ng tayo sa banca haha!
pagdating nyo sa Isla, nasa banca pa lang kayo marami nang nagaabang na maliliit na banca na magaalok sa inyo na maghatid papunta sa mga resorts na gusto nyong puntahan, pero sa dahil wala sa itinerary namin ang mag-mini-banca after ng big-banca nagdesisyon kami na ituloy ang trekking papunta sa Villa Cleoas.(ang pinaka sikat na resort sa cagbalete island at pinakamura daw) NKKLK ang lakarin papunta sa resort knowing na maling bag ang dala ko at medyo 30minutes sya na lakarin eh masakit po sa paa at sa balat dahil napakinit ng mga dinaanan namin, pero ok naman yon kung backpack ang dala ko kay magbackpack kayo papunta doon hah?
Nang makaratig na kami sa Cleofas, pagod, puyat at gutom na naman kami dahil 11am na, maglalunch time na, 45minutes kasi ung byahe papunta sa isla. Agad na kaming nagdecide kung magtetent ba kami or magkacottage, medyo hirap kasi 1500 ung cottage good for & people na sya, at pag sinabi nilang 7 SEVEN lang talaga, at sa mga tent naman 300pesos good for 3 persons lang, at talagang dapat 3 lang, ganoon sila kahigpit, na dapat naman din intindihin kasi para yon sa maintenance ng kamilang facilities, pero dahil 9 kami nagdecide kami na magcottage na lang, kasi gusto namin magkakasama kami, nakiusap na lang kami na payagan na kami na 9 kami sa cottage, di naman namin un gigibain eh.
ayan yung cottage, di na masama kasi may lock sya, tapos malamig kasi open sya may table lababo at mga foam na sa loob, winner diba? wifi na lang kulang! haha!
pagkarating namin sa isla ayun na, nagluto na kami, medyo nahati pa kasi ung iba more gala agad habang kami nagluluto kaya napagdesisyonan namin na, ung mga gumala, sila naman ang magluluto para sa hapunan namin, hehe ang Menu for lunch? Hotdog at Tilapia! wahahahah! dahil gutom na gutom na kami pinili namin yung mga madaling lutuin, haha!
hindi nakaka HUMA island yung setting pero wag ka! maganda talaga sa islang ito!
ay sheet nasusunog na, nasusunog na ako! hahaha!
ayan naman ako, f na f ang pagpapaapoy ng mga kapatid kong juling-ling haha!
Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay naligo na muna kami sa mga CR sa resort, infainess mailinis at mabango ang mga CR dito, matapos namin maligo eh nagpahinga muna kami kasi napakainit pang kung maglalangoy agad kami at maglalakad lakad sa shore, 12pm kasantingan ng araw! Hello, socialite nga kami eh magpapainit??? Ewww!! haha!
3pm na medyo ok ok na ang panahon, nagdesisyon na kami na maglakad papunta sa Bonsai Island, ang isla na lumalabas sa bandang gitna ng karagatan kapag Lowtide.
Bonsai Island or according to my friends broccoli island daw kasi mukha lang syang broccoli sa malayo haha!
alam nyo ba na bago kami pumunta sa Bonsai Island, nagsipag Make-up at nagbihis pa sila ng mga summer outfits nila! haha!
oo medyo malayo ung lakarin papuntang Bonsai pero pak na pak naman sa photos bago makarating doon, dahil sobrang ganda ng view!
this is Joey at ang kanyang makalipad sarong na shot! haha
ang fierce photoshoot na di naachieve dahil nag-smile si Ago! haaay what can I say, haha!
Touchdown bonsai island!
gandang ganda sa sarili shots po ito! haha
another GGSS shot! haha
after namin ienjoy ang bonsai Island nagmamadali kaming bumalik sa shore dahil unti unti nang nagmemeet at dagat, nagha-high-tide na kaya bumalik na kami, pero humabol pa si Cathy marfil ng isa pang GGSS shot hahaha!
nung nakarating na kami sa shore tumambay muna kami sa isang lugar na kami lang ang tao, para makapag kwentuhan at makapagreveal ng mga sikreto si Kreng! hahaha at dito ang naging landmark namin sa kahoy na ito..haha
White Sand na malalambot! hehe
AURA!
more AURA!
Dapa dapaan shot! haha
Anong ipinaglalaban?
commercial ampeg ng shot mga tipong, way wala akong maisip! haha
Yes naman, eto ang PGGSS Pinaka Gandang Ganda Sa Sarili shot! hahaha
More Chikkahan at kwentuhan lang sa shore :)
beystos!
ang mga anak ng undin! haha
NakakaSummer shot ito! haha
Revelations and all haha!
Peaceful ba? nakakatulala po ang kalinisan ng tubig.
More landian, tampisaw, pero bawal mangitim hahaha!
Hapunan na!!! bumalik na kami sa aming cottage para magprepare for dinner, ang menu for dinner ay Liempo, Itlog na Maalat at softdrinks na malalamig! haha ANG SARAP PO! at syempre hindi kami ang nagluto that nigh kaya mas masarap! haha
Look who's here! Kuya Algef, ang aming ama amahan na sumama samin at nagpaiwan sa mga kasama nyang grupo sa kabilang cottage haha! ang future husband ng aming Coach/Nanay/Ate Jenn hehe!
ang mga assigned cooks for dinner haha!
Terey ng aming mga taga luto oh, nakaswimsuits pa haha!
after nyan kumain na kami ng matindi, at sinabi namin na magbabaraha kami at hindi matutulog dahil magkukwentuhan lang kami buong magdamang.
Na-achieve naman namin ung pagbabaraha (Solitaire), pagkukwentuhan ng horror stories, kasi walang kuryente sa resort, talaga generator lang sya so Walang TV, walang kahit ano, napakatahimik, napakapeaceful at sa sobrang pagkapeacefull mga around 9pm, pumepwesto na ang lahat, nagkukwentuhan ng biglang, tugs, coma na ako! hahaha!
at namulat ako ng biglang tumawa sila, dahil wala pa daw akong 1 minute na humiga eh may harok (snore) na agad silang narinig, hahaha! Dala na ng pagod at puyat di namin lahat kinaya na magbaraha at magkwentuhan lang buong gabi, kaya naman naka 8hours of sleep pa kami dahil mga bandang 11pm tulog na lahat at gumising kami 6am na kinabukasan! hahaha. Ang sarap nung feeling na kumpleto at nakabawi kami sa tulog!
habang naghahanda kami ng breakfast ay nakikita naming dumadami ang banca sa paligid, at may mga manong na nagaalok ng island hopping, at dahil gusto kong sulitin ang pagpunta namin doon ay pinilit kong makapagisland hopping kami, actually si Ago (na may pasok pa ng 8pm the same day) ang namilit sa lahat dahil mukhang maganda ang inoofer nila sa pupntahan namin, nagkaroon pa ng mahabang diskusyon sa pagpunta, ayaw pa nung iba dahil ang mahal daw keme keme pero sumama din lahat in the end haha!
sa halagang 1300 pesos dalawang banca kami haha!
saya no? Bago pa yung Vests namin lahat!
di na namin naitanong kung anong tawag dun sa place na pinuntahan namin pero sobrang ganda nya! ung tinatawag na Priceless na ganda!
ang mga synchronized floaters haha!
ung sand sa ilalim napakalamnot! ung tubig napakalinis! Wala na kaming pakialam sa pagitim! go na ng go!
Buti na lang at napilit namin na sumama ang lahat na magisland hopping dahil sobrang laki ng mamimiss ng bawat isa kung di sila sumama, napakaganda ng pinuntahan naming yon, paraiso talaga as in!, malinis na tubig, pinong pinong mga buhangin, at napakagandang view parang nasa ibang mundo ampeg ng kagandahan! haha
sayang kasi ilang oras lang kami doon kasi 12-1pm aalis ang banca pabalik na sa Mauban/Pantalan, pero at least nagawa pa namin un kahit saglit lang dahil talagang napakaganda nya at di kami nagsisi na gumastos para sa ganoong kagandang lugar!
nagmadali na kaming kumain, naligo kahit may konting aberya pa sa tubig pangligo, at naglakad na pabalik sa sakayan ng banca pabalik sa Mauban. bago pa kami umalis paulit ulit kong sinabi sa sarili ko na walang pagsisisi ung ginawa namin buong stay namin doon dahil sobrang naenjoy namin lahat, ung hightide at lowtide pati ung island hopping, sobrang saya kahit alam naming yung isa namin kasama eh medyo nangangamba na kasi panigurado na na malelate sya sa trabaho nya at mapapagalitan sya, pero ganoon pa man alam kong nagenjoy kaming lahat at talaga walang nasayang na oras sa pagpunta namin doon hanggang sa paguwi dahil nakatikim pa kami ng Pancit Habhab at nakabili pa kami ng souvenirs, pasalubong namin sa aming mga uuwian hehe!
the bags and flowers made of buli, hand made by the people from the Municipality of Mauban, Quezon
the bag is 130Php and the flowers are 7Php only! saan ka pa! sobrang mura!
to wrap-up this blog I just want to say thank you to my friends who coined this summer getaway. This will not be as fun if we are not together, yes it's better if we have more friends with us but there is really no regrets, I'm with the perfect people in a perfect place and a perfect setting, how happy can I be?
Yes we paid for this, but no once can ever pay the happiness we have had in the island, I nearly ran out of words just when I saw the place and there's no way you can ever pay for that moment. It's really good to be in places like this with friends specially in my case when I rarely have time with my parents and my whole family, I cannot imagine doing this with other people than my friends, its just so perfect.
This one will really be a moment to remember for sure!
here are other photos we took in the island. ENJOY!
(Drama?englishan pagpatapos na? haha)
Terey ni marimar oh! haha
Gaganda lagi eh!
emo emo haha!
GGSS na marami haha!
ay ako kumuha nyan! haha
ayan ang pinauulit ulit kong malinis na tubig! kita nyo na? haha
ayun naman, push mo lang yan! haha
anong tawag dito? Mataas na uri ng halamang dagat? haha
OHA! fumoFootprint!
AURA na naman si Vyna oh!
Madam Cathy Marfil struttin' her stuffed hahaha! stuffed