Eto na nga ang sunod kong isotrya!
nangyari ang lahat ng ito sa isang magulong meeting at pagpaplano para sa aming MGA magiging summer outing/s, kasado na ang lahat at na ppunta sa CASILE River, ok na ang lahat, pati ang event sa facebook ok na rin pero may malawakang trekking daw papunta doon, at bilang mga tamad na tao eh di kami masyadong nag-agree sa lugar na iyon, kaya naghanap pa kami ulit hanggang sa nakailang palit kani ng event at napagdisisyonang sa Rio De Cambaliao na kami magsuswimming.
Ok naman sa Rio nung dumating kami, malinis at tahimik kaya nagswimming na agad kami after namin ibaba ung mga gamit namin kasi si Jonas aalis daw agad ng 12pm kasi may church pa siya, pero napansin namin na unti unti nang dumadami ang tao, umiingay na di na kami masyado nageenjoy at yun ang di namin gusto. Habang kumakain kami iniisip namin kung papano namin maeenjoy at mapaparaos ang araw na yun ng masaya, biglang naisip ko na "tara na kasi sa bato" (Bato Springs) at nag-agree naman ang lahat, kaya agad din kaming nag-impake at nagdesisyon na umalis na habang maaga pa.
naglakad na kami agad papunta sa labasan para makasakay ng tricycle, habang sobrang init at may kanya kanya kaming bitbit na food, basang damit at lahat lahat na, eh tumatakbo din sa isip namin kung papano kami makakaraos kasi bago kami umalis ng Rio De Cambaliao eh 200 plus na lang ang mga pera namin kasi nabawasan na ang pera namin dahil nagbayad na kami ng entrance at cottage sa rio de cambaliao, (Pano na teh?)
pero wala na talaga kaming pagdadalawang isip, itinuloy na namin dahil kinuwenta namin ang pera/pamasahe papunta ng BATO Springs kakasya naman sya, pero mukhang napasubo kami. On our way to San Pablo, tinawagan namin sina Dervs at Pammy para sa mga detalye papuntang Bato pero nalaman namin na malayo pa din pala yon, at magastos din ang pagbyahe, budget breakdown:
Pamasahe sa jeep mula San Pablo to BATO: 35Php
Entrance Fee/person: 80Php (hindi overnight)
Cottage is 400 pero 5 kami so Divided by 5: 80Php
Pamasahe Palabas ng Bato Springs 150Php Tryk rental
Total: 345 hindi pa kasama ung mga pamasahe namin mula sa bahay namin at ung binayad namin sa Rio De Cambaliao. oh diba? papano nangyari un?
Hindi namin alam, wala kaming kongkretong disisyon kung ano mang mangyari "BAHALA NA", Dumating na kami sa Bato Springs, nagbayad ng entrance at cottage, agad na nagbihis ulit at nagswimming na din kasi aalis pa rin si Jonas kailangan masulit, pero di talaga namin lubos maisip kung saan na kami kukuha ng ibabayad sa tryk palabas, naisip ko pa na "tara kaya magpavideoke contest? pagjudge natin ung may ari tapos ang mananalo may kahit 500 lang na premyo" napakaconfident ko noon na mananalo ako, dahil gagalingan ko naman talaga para makauwi kami! (Waahahahah!)
Anyway eto na nga nagswimming na kami, di na muna namin inisp ang paguwi ang mahalaga andun na kami at "For sure" maeenjoy na namin ang pagsswimming kasi napakalawak na ng lalanguyan at di na kami makikipag-agawan! hahaha!
Thanks to Sarah (Birthday Celebrant) may naipit syang pera sa wallet niya and that kept us breathing again, kahit na alam naming utang yon na dapat bayaran! (haha), napakasaya ng araw na ito kahit lilima lang kami, biruin nyo naman umabot kami ng Quezon para laang mairaos ang mga uhaw naming damdamin sa Ilog! hahaha! Umuwi na noon si Jonas habang kami naman ay halos naguumpisa pa lang ang kaligayahan, dahil sa mga kakilakilabot na si Utoy, na di ko mawari kung kami ba ay sinusundan o talagang nagkakataon lamang na kung saan kami pumunta ay nadoon din sya, tumatak si utoy sa aming mga isipan dahil sa pula nyang buhok, at sa mura nyang edad ay nakakapaglangoy sya sa harap ng publiko ng nakaBRIP lamang na animoy sineseduce si Amasi Nona! wahaha!
Nariyan din ang mga MAMA na akala moy mga kapatid ni Machette kung makapagUnderwear sa ilog! buti sana kung beach un at trunks ung soot nila kaso BRIP naman! hahaha! kaya naman nauso ang BAKTI (Bakat T***) BAKTIBOL (Bakat T*** Labas B*lb*l) hahaha!
Pero dahil kami ay naturingang mga makasariling magkakaibigan hinayaan namin na sila ay doon sa publiko magsipaglangoy habang kami ay humanap ng aming sariling lugar para makapaglangoy ng solo, at doon ay sinulit namin ang bawat oras sa Bato Springs, nag-aral silang magswimming sa pangunguna ko na feeling swimmer din naman kung makapagturo! haha. Nandyan ang mga Combo Swimming Effect ni Nona, pinagsama nya lahat ng itinuro ko at tinawag nyang Combo Swimming Effect, si Kreng na pinipilit maging Mermaid, at si Sarah na pinakamabilis na nagimprove ang swimming skills! (Kudos to you! haha)
Sa pagkakaalala ko ito ang pinakaunang summer na nakasama ko ang mga kaibigan kong ito sa ganitong pagkakataon (Summer), at di nabigo ang unang kong summer kasama sila, kahit na purdoy/udong kami eh naenjoy namin ito ng bonggabelz!
Hindi ito ang huling summer outing namin for 2013, alam kong may isa pa, at malamang sa malamang eh meron pang mauulit na ganitong eksena after dahil magkakainggitan na, haha, inggit kasi napakamura kung tutuosin mo ang pagpunta sa Bato Springs, nararamdaman kong may kasunod pang bato springs kasama silang lahat, at wag sanang maulit ung "WALANG PERA" kasi imagine kung madami na kami pero wala kami lahat pera haha!
AMASI DAY IT IS!
This will never be possible if I'm with other people. Only this batch of friends can make these kinds of experiences possible, I can never find someone like them in this life and like what I am saying "The best things in life are really for free!"
thanks sarah danao for the pictures!